Ang SK hall ng barangay Salang sa bayan ng Balabac na itinayo sa Sitio Dumaga (Larawan mula kay Norsita Basala)
- Advertisement by Google -

Isang malaking tagumpay na maituturing ng Sangguniang Kabataan (SK) ng Barangay Salang sa islang bayan ng Balabac na makapagpatayo ng kauna-unahang SK Hall na magbibigay serbisyo sa mga kabataan.

Ayon kay Norsita Basala, SK chairman ng nasabing barangay, katuparan ito ng kanilang pangarap na magkaroon ng tahanan at sentro ng serbisyo para sa mga kabataan sa kanilang lugar.

“Sumisimbolo ito sa aming katapatan na makapagserbisyo sa kapwa namin kabataang Salanganos.” sabi ni SK Basala.

Nagpasalamat si Basala sa mga tumulong sa pagpapatayo ng kanilang SK Hall kabilang na ang Municipal Engineering Office (MEO) ng bayan ng Balabac at sa Barangay Council ng Salang.

- Advertisement -

Hinimok din ni Basala ang kaniyang mga kapwa lider ng SK sa kanilang bayan na gumawa ng iba’t ibang mga programang pangkabataan na makakatulong sa kanilang komunidad at patuloy na magsilbi para sa ikabubuti ng kanilang bayan.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous article2 arestado dahil sa illegal logging, PNP pinaigting ang kampanya vs illegal loggers
Next article#MaligayangPagbabalikChaEunWoo trends on Twitter as he arrives in the Philippines ahead of fan meet
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.