Larawan mula kay Fred Gatungay

SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Magiging malaking tulong sa mga katutubong Pala’wan sa mga sityo ng Abukayan at Bidang sa Barangay Panitian ang tulay na ipagkakaloob sa kanila sa ilalim ng “Tulay ng Pangulo para sa Kaunlaran Project” na ang implementasyon ay sakop ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa panayam ng Palawan News sa kapitan ng Panitian na si Fred Gatungay, araw ng Biyernes, sinabi nito na ang proyekto ay malaking bagay sa kanilang komunidad, lalo na sa mga katutubo na kinakailangang tumawid sa ilog kung mayroong transaksyon at ikakalakal na mga produkto.

“Dalawang lugar ang nagdudugtong diyan — Abukayan at Bidang. Hindi na sila mahihirapan kung may tulay na sa lugar na yan, lalo na at mapapabilis ang kalakalan, makakadaan na ang mga sasakyan,” sabi ni Gatungay.

Ayon pa kay Gatungay, noong November 5 ay nagtungo sa kanilang lugar ang kinatawan ng 2nd Engineering District ng DPWH na si Engr. Lucio Manga upang isagawa ang evaluation at assessment para sa magiging proyekto na tulay.

Nag-check ng lugar sina Manga upang matukoy ang disenyo ng gagawing tulay o Abukayan-Badang Bridge, ano ang magiging haba nito, at pati na rin ang project cost.

“Inasikaso talaga ng council natin yan na magkaroon sila ng tulay dyan para ang mga katutubong pamayanan natin dyan sa paanan ng bundok ay hindi na mahirapan kung lalabas sila dito sa bayan,” dagdag niya.

Aniya, maaasahan na sa December ay sisimulan na ang proyekto upang ito ay mapakinabangan na ng mga katutubo.

 

 

Previous articleEl Nido seeks out close contacts of local COVID case
Next articlePSFI distributes mangrove field guides to communities
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.