Ang katawan ng biktima na kinilalang si Miguel “Mike” Gallego Arzaga, 42 taong gulang, ay natagpuan ng mga residente at nakitaan ng dalawang taga.

Isang magsasaka ang natagpuan na wala nang buhay sa Purok Magsasaka, Barangay Danleg sa bayan ng Dumaran, 5:45 ng umaga nitong araw ng Martes, September 21.

Ang katawan ng biktima na kinilalang si Miguel “Mike” Gallego Arzaga, 42 taong gulang, ay natagpuan ng mga residente at nakitaan ng dalawang taga na posibleng naging dahilan ng kamatayan nito.

Sa panayam ng Palawan News kay Danleg barangay chairman Viernels Sayang, sinabi nitong galing si Arzaga sa preparation ng kasalan malapit sa lugar kung saan ito natagpuang wala nang buhay.

“Sabi ng mga nakakita, galing siya sa preparation ng kasalan. Kasi may mass wedding kinabukasan at isa sa ikakasal ay kaanak niya,” pahayag ni Sayang.

Hindi rin umano nakainom o lasing ang biktima bago ito umalis sa bahay ng kaanak bandang alas dos ng madaling araw at wala ring anumang gulo o komprontasyon na naganap sa bahay ng kaanak na pinuntahan nito.

“Walang inuman sa pinuntahan niya. Walang nagpainom doon. Wala ring diskusyon na nangyari, umalis siya bandang alas dos ng umaga. Siguro nangyari yung insidente bandang 2:30 hanggang 4:00,” dagdag ni Sayang.

Aniya, posible diumano na maiugnay ang pagkamatay nito sa mga nakalipas nitong kinasangkutang gulo. Ilang taon na rin umano ang nakalilipas ay nagkaroon ng kasong homicide ang biktima sa lugar, at nasangkot na din sa iba’t ibang gulo sa barangay at maging sa kalapit na barangay.

“Ang tao na ito kasi, sa ngayon, wala siyang mga reported na na-involve ito sa gulo o nakaaway dito sa amin. Pero itong mga nakaraang taon nagkaroon ito ng kasong homicide, at may mga report na din ito, hindi lang dito sa barangay kundi maging sa pulis dito sa amin. Mga siguro two years na, wala na akong naririnig na nasangkot ito sa gulo o nakaaway dito sa barangay natin,” paliwanag ni Sayang.

Samantala, Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang suspek at motibo nito sa pagpatay.

Previous articleDOJ vows probe into death of billionaire son’s girlfriend
Next articleU.S. provides 2.58 million more Pfizer-BioNTech vaccines to the Philippines
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.