Ang bangin kung saan natagpuan ang katawan ni Leonito Agnas Ero sa Barangay Sta. Lourdes, Puerto Princesa City, noong Marso 15.

Natukoy na ang pagkakakilanlan ng lalaking nakita ang katawan na nakasilid sa sako at itinapon sa bangin sa Purok Mainit, Barangay Sta. Lourdes, kahapon bago gumabi, Marso 16.

Ayon sa Puerto Princesa City Police Station 2 (PS-2), ito ay si Leonito Agnas Ero, mula sa Brgy. San Manuel.

Samantala, ayon sa source ng Palawan News, ang lalaki ay kinilala mismo ng kanyang anak matapos na hind umano ito umuwi noong Lunes ng gabi, Marso 14, kasama ang kainuman.

- Advertisement -

“Nag-inuman pa sa bahay nila, tapos noong magtanghali umalis sila, after noon hindi na nakauwi,” pahayag ng source na hindi puwedeng pangalanan ng Palawan News.

Bagama’t namumukhaan ng pamilya ang kasama ni Ero, hindi naman nila alam ang pangalan nito.

Ilang mga kapitbahay din ang nagsabi na laging nakikita sa lugar ng biktima ang sinasabing lalaking huling kasama nito.

Si Ero, ay nakita ng mag-asawang napadaan sa lugar bandang alas 5:30 ng hapon, kahapon, na nakasilid sa loob ng isang sako sa bangin sa gilid ng kalsada.

Nagtamo ng tama ng saksak sa kanang dibdib ang biktima, at sugat sa batok (stabbed wound).

Patuloy pa ring inaalam ng mga pulis ang pagkakakilalan ng lalaking nakainuman ng biktima,

Previous articleMurals of hope
Next articleMenor de edad nasawi sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa bayan ng Rizal
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.