Sa naka-encircle na bahagi ng larawan diumano natagpuan ang walanng saplot na katawan ng babae na wala pang pagkakakilanlan. (Jesus Valencia Alisangco)

[UPDATED] Isang katawan ng babae na walang saplot ang natagpuan kaninang umaga, Enero 23, sa Mitra Road malapit sa isang simbahan sa Barangay Sta. Monica, ayon sa Station 2 ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO).

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang pagkakakilanlan ang babae na nakita ang katawan matapos may mapadaan na dalawang nagdya-jogging sa Mitra Road, ayon sa pahayag sa Palawan News ng hepe ng PPCPO Station 2 na si P/Maj. Noel Manalo.

Aniya, may nasalubong ang dalawang nagdya-jogging na isang lalaki na kinuwentuhan nila nang nakita at ito ang nag-report sa pulisya bandang alas onse ng umaga.

Natagpuang walang saplot ang babae, subalit hindi pa masabi ni Manalo kung ito ba ay biktima ng panggagahasa.

- Advertisement -

“Sa ngayon ay hintayin muna natin ang resulta ng examination na isinasagawa ng crime lab bago natin masabi kung may ba na nangyari o wala,” pahayag ni Manalo.

“Wala pa tayong suspek, kahit ang biktima wala pa tayong pagkakakilanlan, pero tuloy-tuloy ang ginagawa nating imbestigasyon,” dagdag niya.

Pinahayag rin niya na maging sa Sta. Monica ay wala namang naiuulat na nawawalang babae sa kanilang tanggapan kaya masusing imbestigasyon ang kanilang gagawin.

Previous articleDriver na nakaidlip sa pagmamaneho, naaksidente sa Sofronio Española
Next articleNext Philippine Marines commandant is former 3MBde commander in Palawan
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.