Barangay Mangsee sa bayan ng Balabac. (PN File Photo)
- Advertisement by Google -

Isang katawan ng lalaki na diumano ay pinaslang ang natagpuan dakong ala una ng hapon ngayong Biyernes, Enero 14, sa baybayin ng Barangay Mangsee sa bayan ng Balabac.

Ang lalaki ay kinilalang si Neslie Espidido Casio, 27, residente ng Brgy. Poblacion 6 ng nasabing bayan, ayon sa ulat ng Balabac Municipal Police Station (MPS).

Sa imbestigasyon ng pulis ay sinasabi na mayroong kamag-anak ang biktima na si Casio na kinilalang si Sainol Trina Caitin na tumungo sa kanilang himpilan para iulat na ito ay pinaslang at natagpuan na palutang-lutang sa tubig sa baybayin ng Brgy. Mangsee.

Ang lalaki ay kinilalang si Neslie Espidido Casio, 27, residente ng Brgy. Poblacion 6. (Larawan mula sa PPO)

“Kasalukuyan nang ibinabyahe patungo sa Rural Health Unit (RHU) sa Balabac ang labi ng nasabing lalaki para isailalim sa post-mortem examination,” ayon kay P/Lt. Mark Sigue, hepe ng Balabac MPS.

- Advertisement -

“Sa ngayon ay wala pa kaming mailalabas na impormasyon. May mga nakuha lang kaming kuwento na kailangan pang i-verify sa pamilya, na sa ngayon ay hindi pa namin nakakausap,” dagdag pa nito.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleMEEDO ng Quezon mahigpit na babantayan ang presyo ng isda dahil sa kulang na supply
Next articlePaglilinis ng iniwang kalat ng bagyong Odette sa bayan ng Roxas nasa kalahati na
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.