Inaresto ng mga pulis ng Balabac ang karpentero na si Nasil Hiya Abdullah sa Sitio Marabon, Brgy. Bancalaan noong ika-13 ng Hulyo dahil sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Nakuha kay Abdullah ang isang sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu.

Ayon kay P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Provincial Police Office (PPO), ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng warrant na inilabas noong ika-11 ng Hulyo ni Judge Ramon Chito Mendoza ng Regional Trial Court (RTC) Branch 165 na nakabase bayan ng Brooke’s Point.

“Itong nahuli na ito ay kinunan na muna ng arrest warrant bago isinagawa ‘yong search warrant sa tulong na rin ng ating mga asset at ‘yon na nga nahuli natin nakunan rin ng drugs,” ayon kay Ramos.

Ang pagdakip kay Abdullah ay isinagawa sa tulong ng mga tauhan ng Special Boat Unit (SBU) Maritime Group at Philippine Coastguard Balabac-Sub station.

About Post Author

Previous articleYAMANG BUKID FARM: Ecological agriculture key to food stability
Next articleNew NFA exec eyes better procurement targets on harvest season
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.