Kinasuhan ng illegal logging ang kapitan mg Barangay Cheey sa Busuanga matapos itong mahulihan ng aabot sa 565 board feet ng mga ilegal na kahoy sa kanyang pangangalaga noong September 18.

Base sa report ng Busuanga municipal police station, naabutan mismo ang kapitan na si Gemmuel Fabia at pahinante nito na si Allan Arcon na ikinakarga sa truck ang mga kahoy.

“Umaga pa lang may information na kami na may mga kahoy ng doon sa lugar at iba byahe na papuntang Coron,” pahayag ni P/Cpt. Ervin Plando ng Busuanga.

Tinatayang aabot sa P28,250 ang kabuuang halaga ng mga nasamsam na mga kahoy na sinasabing dadalhin sa bayan ng Coron para i-supply sa ilang mga tindahan ng hardware sa bayan.

Matatandaang una ng naaresto si Fabia noong May 24 matapos na babaan ng warrant ng Coron Municipal Trial Court sa kaparehong paglabag.

Pansamantalang nakalaya si Pabia matapos itong makapaghain ng P30,000 na piyansa.


Treat yourself to a night of music, live performances and an acoustic feel.
Monday night is an acoustic night @ 7pm, Freedom Park, City Coliseum.
Tara na at maki-jam na!🎶🎤

#WowTourismBazaar

Previous articleNetflix to make ‘The School for Good and Evil’ available on October 19
Next articlePalaweño HR expert vouches for IT career
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.