Image from Narra MPS

 

Nahaharap sa kasong “reckless imprudence” ang isang kapitan ng isang malaking bangkang pangisda na nakabangga ng isang maliit na bangka sa karagatan ng Narra noong nakaraang taon.

Ang suspek, na naaresto noong Huwebes, ay nakilalang si Rafael Dalabajan Andao, 53, seaman, at residente ng Brgy. San Miguel, lungsod ng Puerto Princesa.

Ang arrest warrant sa kayo ay inilabas ni Judge Melissa Grace Perola, presiding judge ng Municipal Trial Court (MTC) ng bayan.

Ayon naman sa panayam ng Palawan News kay P/Maj.Romerico Remo, hepe ng Narra MPS, matagal nang nangsampa ng reklamo sa korte ang biktima.

“Nabangga ng barko ang bangka sa vicinity area ng Narra at nawasak ito, at ‘yon nag-file sila ng kaso. Matagal na at last year pa yan (nangyari),” pahayag niya.

(With a report from Regine Longcayana)

About Post Author

Previous articleBabaeng negosyante, nasawi dahil sa aksidente sa Aborlan
Next articleSasakyan ng Vice Mayor ng Quezon, tinamaan ng “jolens”
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.