Jul 15, 2020

‘Kalinga ng Mina,’ may handog na ngiti sa Brgy. Taburi

Ang RTN ay nagsagawa ng outreach program sa isang komunidad na hindi madalas maabot ng tulong dahil sa kalayuan nito sa kabihasnan.

Ang mga employee volunteers na nakilahok sa outreach program para sa Barangay Taburi (Photo courtesy of Iskan Sali)

Ang Rio Tuba Nickel sa pamamagitan ng simpleng “Kalinga ng Mina” ay naghatid ng mga ngiti sa labi ng mga residente ng Barangay Taburi sa bayan ng Rizal.

Noong nakalipas na ika-21 ng Disyembre, ang RTN ay nagsagawa ng outreach program sa isang komunidad na hindi madalas maabot ng tulong dahil sa kalayuan nito sa kabihasnan.

Ang tulong na hatid ng RTN ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief goods, kasama na rin ang pamimigay ng mga damit at mga laruan para sa mga kabataan.

Ayon kay Modesta Mahinay, kapitana ng Taburi, lubos ang kanilang pasasalamat sa tulong mula sa RTN.

“Maraming, maraming, maraming salamat sa RTN at napansin nila tayo dito sa Barangay Taburi. Asahan ninyo na ang inyong mga opisyales ay patuloy na makikipag ugnayan sa pamunuan ng RTN sa iba pang posibleng kahilingan,” ayon kay Mahinay

Higit 400 na katao ang naging benipesaryo sa nasabing outreach program. Iba’t-ibang tao, katutubo, kristiyano at mga muslim ang nagkaisa upang suportahan ang programa ng Barangay Taburi at RTN.

Ayon naman kay Venice Guian, SDMP Supervisor ng RTN, simula pa lang ito nang tulong na maaaring maibigay sa Barangay Taburi.

“Daghang salamat sa mainit na pagtanggap niyo sa RTN dito sa Barangay Taburi. Hindi namin inasahan na ganito tayo ngayon karami. Baka masundan pa ito sa tulong na rin ng RTN at mga empleyado nito na kusang tumulong para sa outreach program.”

Ang Rio Tuba Nickel, bago pa man idaos ang outreach program, ay nagsagawa ng ocular inspection sa Barangay Taburi sa tulong ni Kagawad ni Rene Maypa.

May mga employee volunteers din ang nakilahok sa program mula sa mga opisina ng Admin, CPMS, accounting at security, kung kaya ang programa ay naging matagumpay at naka iwan ng ngiti at pasasalamat mula sa Barangay Taburi.

Ang programa ay nagtapos sa pamamagitan ng isang salo-salo sa pananghalian na inihanda ng Barangay Taburi.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry