Isinusulong ng Kamara de Representantes ang isa umanong mas malinaw at sabayang tugon sa tumataas na presyo ng langis, habang unti-unti nang nararamdaman ng mga pamilyang Pilipino ang epekto nito sa pamasahe, pagkain, at pang-araw-araw na gastusin.
Ayon kay House Speaker Faustino “Bojie” Dy III, itinutulak ng Kamara ang panukalang KALINGA Act of 2026 bilang pangunahing hakbang para maibsan ang pressure ng inflation na konektado sa global tensions.
“Hindi ito magkakahiwalay na hakbang—ito ang pagsulong ng isang matibay na plano, isang malinaw na direksyon upang maisakatuparan natin ang layunin para sa isang ekonomiyang gumagana at nagbibigay-ginhawa sa araw-araw na buhay ng Pilipino,” ani Dy.
Kasabay nito, binuo rin ng Kamara ang Legislative Energy Action and Development (LEAD) Joint Committee na magsasama ng iba’t ibang sektor—mula enerhiya, agrikultura, transportasyon, paggawa hanggang kalakalan—para makabuo ng iisang direksyon sa pagharap sa epekto ng oil price hikes.
Direkta umanong tumatama sa bulsa ng publiko ang pagtaas ng presyo ng langis.
“Alam naman natin na kapag tumaas ang langis, tumataas ang pamasahe. Tumataas ang gastos ng manggagawa, tumataas ang presyo ng pagkain at ang unang tinatamaan ay ang pamilyang Pilipino,” dagdag niya.
Sinabi rin ni Dy na layunin ng KALINGA Act na magsilbing panangga laban sa patuloy na pagtaas ng presyo at palakasin ang kakayahan ng ekonomiya.
“Kaya’t kasama ni Majority Leader Sandro Marcos, isinusulong natin ang KALINGA Act of 2026 bilang bahagi ng mas malawak na hangarin na palakasin ang kakayahan ng bawat Pilipino, patatagin ang ating ekonomiya, at gawing mas maaasahan ang support system ng gobyerno,” ayon pa sa House Speaker.
“Kasabay nito, patuloy nating pinatitibay ang ating mga hakbang tungo sa energy security—sapagkat ang isang bansa ay kailangan may klarong plano at matibay na pundasyon,” dagdag pa niya.
READ IN ENGLISH
KALINGA bill pushed amid rising global oil prices
The House of Representatives is pushing a unified response to rising fuel prices, warning that higher oil costs are already driving up fares, food prices, and daily expenses for Filipino households.
House Speaker Faustino “Bojie” Dy III said the chamber is working to pass the proposed KALINGA Act of 2026 as its main response to inflation pressures linked to global tensions.
“Hindi ito magkakahiwalay na hakbang—ito ang pagsulong ng isang matibay na plano, isang malinaw na direksyon upang maisakatuparan natin ang layunin para sa isang ekonomiyang gumagana at nagbibigay-ginhawa sa araw-araw na buhay ng Pilipino,” Dy said.
The House also formed the Legislative Energy Action and Development (LEAD) Joint Committee to bring together key sectors such as energy, agriculture, transport, labor, and trade to craft a coordinated plan.
Dy said rising fuel prices have a direct effect on everyday costs.
“Alam naman natin na kapag tumaas ang langis, tumataas ang pamasahe. Tumataas ang gastos ng manggagawa, tumataas ang presyo ng pagkain at ang unang tinatamaan ay ang pamilyang Pilipino,” he said.
He added that the KALINGA Act is meant to cushion the impact of inflation and strengthen the country’s economic resilience.
“Kaya’t kasama ni Majority Leader Sandro Marcos, isinusulong natin ang KALINGA Act of 2026 bilang bahagi ng mas malawak na hangarin na palakasin ang kakayahan ng bawat Pilipino, patatagin ang ating ekonomiya, at gawing mas maaasahan ang support system ng gobyerno,” Dy said.
“Kasabay nito, patuloy nating pinatitibay ang ating mga hakbang tungo sa energy security—sapagkat ang isang bansa ay kailangan may klarong plano at matibay na pundasyon,” he added.



