27.2 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Kakulangan sa silid-aralan, bumungad sa Sta. Cruz Integrated School

Bumungad sa unang araw ng klase noong June 8 ang kakulangan ng silid-aralan sa Sta. Cruz Integrated School sa Barangay Sta. Cruz, kung saan napilitan ang mga guro na gumamit ng iba’t ibang pasilidad ng paaralan bilang makeshift classrooms.

Sa privilege speech ni Vice Mayor Jimbo Maristela, ibinahagi niya ang sitwasyon ng paaralan na mayroon lamang dalawang standard classrooms para sa humigit-kumulang 260 na mag-aaral.

Dahil dito, ginagamit na rin bilang silid-aralan ang gymnasium, stage, canteen, clinic, library, at ICT room.

“Napilitan na lamang gamitin ng mga guro ang kanilang covered gymnasium para magamit sa mga klase,” ani Maristela.

- Advertisement -

Ayon pa sa kanya, umiikot ang gamit ng mga espasyo: ang ilang grade level ay nasa standard classroom, habang ang iba ay nasa canteen, mini-gym, ICT room, at library.

“Sa kasalukuyan, sila ay may dalawa lamang standard classrooms kaya ginagamit na nila ang kanilang mini gym at stage bilang classroom,” dagdag niya.

May mga mag-aaral din na inilagay sa clinic at makeshift classrooms na itinayo gamit ang lumang materyales at donasyon mula sa komunidad.

“Ang kanilang makeshift classroom para sa Grade 8 ay gawa lamang sa mga nasirang materyales, habang ang ibang gamit ay mula sa pagtutulungan at donasyon,” ayon pa sa bise alkalde.

Dahil dito, sinabi ni Maristela na maghahain siya ng resolusyon sa Local School Board para sa dagdag na apat na classrooms sa naturang paaralan.

Umaasa siya na mabibigyan ng pondo ang proyekto upang maibsan ang kakulangan sa silid-aralan at mapabuti ang kondisyon ng pag-aaral ng mga estudyante.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
Cris Dela Cruz
Cris Dela Cruz
is a reporter for Palawan News covering police, crime, local government, politics, and community affairs across Palawan. He reports on breaking news, public safety issues, governance, and developments that affect local communities, with a focus on timely, accurate, and fact-based journalism.
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img