Kabataan sa Brookes’s Point, nagpahayag ng suporta sa paghahati ng Palawan

Nagpahayag ng suporta ang isang grupo ng kabataan sa bayan ng Brooke’s Point para sa paghahati ng Palawan sa tatlong lalawigan.

Dala ang mga tarpaulin ng ilang leader ng pamahalaan na nagpapahayag ng pagsuporta sa hakbang, sama-samang nag-ikot sa bawat barangay ang grupo ng mga kabataan sa pamumuno ni Irineo Maestricampo, ang presidente ng 4H Club Federation.

Sa panayam ng Palawan News kay Maestricampo, sinabi nito na naniniwala ang kanilang grupo na ang paghahati sa tatlo ng Palawan ang magdadala ng mabilisang pag-unlad para sa bayan.

Ito rin aniya ang magbibigay ng mas magandang kinabukasan sa kabataan kung kaya’t  nais umano nilang tumulong sa kampanya upang maipaliwanag sa mga kababayan ang magandang maidudulot ng 3N1 Palawan.

“Maraming magandang maidudulot ang 3N1 sa ating mga taga south. Ilan dito ay mas magiging mabilis ang pag-unlad lalo na sa mga kabataan dahil maraming opportunity ang mabubuksan. Kapag nandito na ang kapitolyo, dadami rin ang trabaho.  Hindi na kailangan pang lumuwas sa malayong lugar para makapagtrabaho,” pahayag ni Maestricampo.

Samantala, sa kanilang pag-iikot ay sinisigurado umano ng kanilang grupo ang pagsunod sa mga health protocols tulad ng social distancing at pagsusuot ng mask upang makaiwas sa COVID-19.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry
%d bloggers like this: