Pinasok ng tatlong lalaki ang tanggapan ng courier na J&T Express na matatagpuan sa Calso Building, National Highway sa Barangay Poblacion, Narra bandang 1:20 ng madaling araw ngayong Martes, Mayo 25.

Natangay ng mga hindi nakilalang suspek ang P600,00 na pera, ayon sa mga biktimang sina Mary Rose Brañola at Adhel Gacote, kapwa empleyado ng J&T at residente ng nabanggit na lugar.

Ayon kay P/Maj. Dhennis Acosta, hepe ng Narra Municipal Police Station (MPS), nag-aayos ng mga parcel ang mga tauhan ng J&T at naghihintay sa iba pang mga rider na dumating ng biglang may tatlong lalaking dumating sakay ng kulay itim na Honda beat na motorsiklo at nakasuot ng mga itim na bonnet.

Agad na pumasok ang dalawa sa opisina at tinutukan ng kutsilyo ang dalawang biktima habang naiwan sa labas ang isa pang suspek na nagsilbing lookout.

- Advertisement -

Patuloy hanggang sa isinusulat ang balitang ito ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis at pinaghahanap na ang mga suspek na agad na tunakaa patungo sa bahaging south, matapos na makuha ang pera.

Previous articleLabrador says plebiscite has no connection with COVID-19 surge
Next articleTaytay MPS tuloy ang operasyon kahit limitado ang tauhan
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.