Isa pasyente ng COVID-19 nanaman ang nasawi sa bayan ng Roxas nitong araw ng Huwebes, Hulyo 1, sa huling tala ng Municipal Health Office.
Ayon kay Dr. Leo Salvino, municipal health officer ng bayan, ang nasawi ay isang 73 taong gulang na lalaki mula sa Barangay Jose Rizal.
“Ito ang ikawalong Covid-19 death sa bayan. The fatality was a 73-year old male with comorbidity (stroke patient),” payahag ni Salvino.
Samantala, maliban sa nasawi ay siyam naman ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 at pitong recoveries sa bayan. Ang mga bagong kaso ay kinabibilangan ng tatlong lalaki at dalawang babae mula sa Barangay 3, dalawang babae mula sa Barangay 2 at dalawang lalaki naman mula sa Brgy. Tumarbong.
Sa kasalukuyan ang bayan ng Roxas ay may bilang na 27 aktibong kaso.
Patuloy pa rin ang panawagan ng MHO sa lahat ng mamamayan na ipagliban muna ang pagpunta sa Puerto Princesa City kung hindi importante o emergency ang sadya. Huwag din muna tumanggap ng bisita na galing sa Puerto o Manila at iwasan ang mga pagtitipon.
Manatili lang sa bahay at kung hindi maiiwasan ang paglabas ay magsuot ng face mask, sumunod sa physical distancing, laging maghugas ng kamay o gumamit ng alcohol/sanitizer.
Magpa-konsulta agad at makipag-ugnayan sa RHU kung kayo ay may sintomas o isang close contact ng nagpositibo sa COVID-19.
