May paliwanag na dapat marinig ang publiko mula kay Ginoong Elgin Damasco, isang kagawad ng Lungsod ng Puerto Princesa. Hindi ito ukol sa usapin ng kanyang karapatang magsalita, kundi sa klase ng kanyang pamumulitika at pagpapahalaga sa pambansang interes.
Noong nagsalita si Senador Rodante Marcoleta at nagmungkahi na talikuran na lang ng Pilipinas ang Kalayaan Island Group (KIG), madaming Pilipino ang nagalit. Oo nga naman, kung kelan kinakailangan nating mga Pilipino na magkaisa laban sa pambu-bully ng Tsina, bakit pinagugulo ni Marculeta ang usapan? Dito naman sa atin sa Palawan, kamangha-mangha na ang isang konsehal ng syudad na walang kinalaman sa usapin ng munisipyo ng Kalayaan ay bigla na lamang lumitaw upang gawing malaking isyung pampubliko ang pagkakaroon ng Kalayaan ng extension office sa Rizal at sa syudad ng Puerto Princesa. Obyus naman sa umpisa pa lang na dinidepensahan nya si Marcoleta, kahit sinasabi nya na hindi sya pabor sa iminumungkahi nito.
Sa kanyang katayuan bilang kagawad ng lungsod at komentarista sa radyo, may audience siya at plataporma at ito ang nakababahala. Inilunsad niya ang sunud-sunod na pag-atake sa mga opisyal ng Kalayaan sa kumplikadong usapin tungkol sa lokasyon ng pisikal na opisina nito.
Tama lang naman sya sa obserbasyon na hindi nag-oopisina sa Pag-asa Island ang munisipyo. Ngunit dapat nyang isinasaalang-alang ang tamang panahon ng pamumulitika lalo na sa sitwasyong ang soberanya ng ating bansa ang pinag-uusapan dito. Sa posturang dinadala nya, si Damasco ay pumapabor sa interes ng Tsina na magkawatak-watak ang mga Pilipino at maghasik ng di-pagkakaunawaan at mapahina ang ating mga territorial claim sa West Philippine Sea.
Sadya man o hindi, ang ganitong mga pananalita ay pagkampi o pagpabor sa Beijing. Ipinapakita nito ang pag-aalinlangan sa kakayahan ng sariling pamamahala ng teritoryo, na nakakapagpahina sa ating moral at pulitikal na kinatatayuan sa usapin ng West Philippine Sea.
Iginigiit ni Damasco na siya ay nagsasalita bilang taxpayer at hindi bilang opisyal ng syudad. Wala namang pinagkaiba yun. Ang kanyang plataporma, impluwensya, at audience ay bunga lamang ng kanyang posisyon bilang kagawad. Nire-repost nya o inuulit ang mga social media content ng mga propagandista ng Tsina habang inaatake ang ating pinagsusumikapang munisipalidad sa hangganan. May poder at katungkulan sya at hindi siya maaaring magtago sa likod ng pagiging pribadong pagkamamamayan.
Ang bwelta nya sa mga kritiko, tinawag nya ang mga itong mangmang at hinahamon na magsampa ng kaso laban sa kanya. Ang publiko na bumabatikos sa kanya ay nauunawaan ang isang bagay na tila hindi niya nauunawaan—na ang Tsina ay nananalo hindi lamang sa pamamagitan ng water cannons, kundi sa pagkakawatak-watak ng mga Pilipino.
Kung tunay na may malasakit si Kagawad Damasco ng Puerto Princesa sa interes ng munisipyo ng Kalayaan, mayroon namang tamang paraan. Maaari naman niya itong isangguni sa mga awtoridad sa probinsya at nasyunal, magmungkahi ng makabuluhang mga solusyon, makipagtulungan sa mga tamang ahensya kagaya ng DILG o Department of Foreign Affairs. Magagawa niya ito bilang taxpayer o bilang broadcaster, walang isyu dun. Subalit sa halip, pinili niya ang publikong pagbatikos sa mga opisyal ng Kalayaan at sumakay pa sa panggugulo ni Senator Marcoleta.
Iginigiit ni Damasco na karapatan nya ang magsalita. Hindi naman iyon ipinagkakait sa kanya. Subalit kung wala syang intensyon na magpagamit sa Tsina, dapat ay isinasaalang alang nya kung ano, paano, at para saan ang mga punto na nais nyang linawin at mga mungkahi na nais nya ipahayag. Dito pa lang, sablay na sya. Ang kanyang krusada ay walang ibang naidudulot kundi ang pagpapahina ng tibay ng loob ng bansa sa panahong lubos nating kailangan ito. Nakatingin ang Tsina. At siyempre, nalulugod ito sa kanyang ginagawa.
READ IN ENGLISH
A dangerous crusade
Puerto Princesa City Councilor Elgin Damasco owes the nation an explanation. This is not about his legal right to speak, but about his political judgment and sense of national interest.
When Senator Rodante Marcoleta ignited outrage with his reckless suggestion that the Philippines abandon the Kalayaan Island Group, the country needed unity, not division. From out of the woodworks emerged Damasco, making a tacit endorsement of Marcoleta’s supposed intention to correct mistakes.
With his stature as a city councilor and a radio commentator, he had an audience and a platform. He launched a sustained attack on the municipality of Kalayaan for not maintaining physical offices on Pag-asa Island.
Damasco is correct that Kalayaan officials are not holding office in Pag Asa Island and that the municipality is facing administrative challenges. But timing in politics is everything especially when sovereignty is at stake. By raising this tangential issue in the shadow of Marcoleta’s controversy, Damasco is pandering to China by deliberately sowing internal discord that undermines our territorial claims.
Whether Damasco intends it or not, his campaign achieves what Beijing desires – Filipinos questioning the viability of our own territorial administration, weakening our moral and political standing in the West Philippine Sea dispute.
Damasco insists he is speaking as a “taxpayer,” not a public official. This attempt at distinction is meaningless. His platform, his influence, and his audience derive entirely from his position of influence as city councilor. When he amplifies posts from China propagandists while attacking our beleaguered frontier municipality, he cannot hide behind private citizenship or his press card.
His angry retorts to critics, calling them ignorant and daring his detractors to sue him is pure defensiveness. The public who are calling him out understand something he apparently does not – that China wins not through water cannons alone, but through exploiting our internal divisions.
If Damasco genuinely cares about Kalayaan’s administrative capacity, he should work through proper channels. He could raise concerns with provincial and national authorities, propose constructive solutions, coordinate with defense and foreign affairs officials. He could do this either as a taxpayer or a broadcaster – that is of no consequence and there is no need to be defensive about it. Instead, he chose public spectacle at the worst possible moment.
Damasco insists he is not to be silenced. Fine. But leadership requires more than the right to speak. It requires wisdom about when, how, and to what end. On all these counts, he fails miserably. His crusade gains nothing but weakening the country’s resolve when we need it most. China is watching. And of course it is pleased.



