Larawan mula kay Raul Molejon
- Advertisement by Google -

Humigit-kumulang 1,000 itlog ng pawikan ang binabantayan ngayon ng mga park ranger ng Ursula Island Game Refuge and Bird Sanctuary sa Barangay Rio Tuba, bayan ng Bataraza, ngayong buwan ng Hunyo.

Ayon kay Ursula Island forest protection officer Raul Molejon, ang gawain ay bilang bahagi ng management and protection sa mga pawikang nangingitlog sa isla kasama na ang iba’t ibang uri ng ibon na nakatira dito.

Dagdag ni Molejon, sa kasalukuyan ay nasa ligtas na hatchery ang mga itlog at masusi nitong tinitingnan araw-araw upang matiyak na hindi ito napapasok ng mga hayop katulad ng ahas at bayawak.

“Hinuhukay ng bayawak ang itlog sa buhangin para kainin kaya namin nililipat sa hatchery para hindi makapasok ang mga bayawak,” pahayag ni Molejon.

- Advertisement -

Ang mga itlog na nasa hatchery ngayon ay inaasahang magpipisa sa loob ng 75 na araw simula ngayong buwan ng Hunyo o sa kalagitnaan ng buwan ng Setyembre.

“Ngayon nga, may mga napisa na – sila yong mga unang nailagay sa hatchery noong mga nakalipas na buwan,” ani Molejon.

Dagdag niya, pagdating ng oras na ang mga itlog ay magpisa na ay agarang binibitawan sa baybayin ng ursula sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Bataraza at ng Brgy. Rio Tuba, PNP Maritime, Philippine Coast Guard, Palawan Council for Sustainable Development at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan ay isang may hatchery sa isla na malapit sa ranger station at ginagamit ngayon para sa pangangalaga ng itlog ng pawikan.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleDialogar kinoronahan bilang Mutya ng Aborlan sa ‘Rakudan Festival’
Next articlePuerto Princesa City, 3rd District of Palawan newly elected officials take oath
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.