Ang bahay na tinupok ng apoy sa sitio Rizal, Mambalot, Brooke's Point || Larawan mula kay Jayson Sapitula

Isang bahay na pag-aari ni Pacifico Dahon Sr., ang natupok sa naganap na sunog sa Sitio Rizal, Barangay Mambalot sa bayan ng Brooke’s Point, dakong alas tres ng hapon noong araw ng Lunes, Hunyo 14.

Ayon kay SFO4 Armando Abela, Fire Marshal ng Brooke’s Point Fire Station, base sa kanilang imbestigasyon ay posibleng nagmula sa kalan ang sunog. Ang bahay ay gawa sa light materials kung kaya’t mabilis itong natupok. Umabot sa humigit-kumulang P15,000 ang naging pinsala ng nasabing sunog.

“Hindi na ito napuntahan ng ating firetruck dahil medyo malayo ang lugar pero nag-imbestiga pa rin tayo noong pumunta dito sa ating opisina ang kanilang kaanak para kumuha ng certificate,” pahayag ni Abela.

“Wala namang nasaktan sa sunog,” dagdag niya.

- Advertisement -

Paalala ni Abela sa lahat ng residente na kapag aalis ng bahay ay tiyaking walang apoy sa kalan o sa mga lutuan sa kusina na maaring makapaglikha ng sunog lalo na ngayong mainit ang panahon.

“Yan ang lagi nating paalala sa lahat kaya tayo sa pamatay-sunog ay lagi nating ginagawa ang information drive natin na huwag mag-iwan ng apoy sa mga lutuan na maaaring magdulot ng sunog at pati sa mga kuryente na nakasaksak lang at hindi ginagamit,” ani Abela.

Previous articleDSWD, DTI finalizing elderly, PWD online purchase discounts
Next articleChurch reopens doors to devotees amid MECQ extension
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.