27.2 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Isa pang rescue vehicle, ibinigay ng San Vicente LGU sa Barangay Sto. Niño

SAN VICENTE, Palawan — Isa na namang rescue vehicle ang ibinigay noong Abril 29 ng lokal na pamahalaan ng bayan na ito para sa Barangay Sto. Niño para magamit sa agarang aksyon at pag-responde sa mga emergency situation.

Kung dati ay gumagamit lang ng motorsiklo o topdown ang mga taga naturang barangay, ngayon ay mayroon na silang rescue vehicle na magagamit sa tuwing maghahatid patungo sa bayan ng mga residenteng nangangailangan ng atensyong medikal, ayon sa punong barangay ng Sto. Niño na si Victor Oncepido.

- Advertisement -

“Labis po akong nagpapasalamat sa [pagturn-over ng] inaasam-asam [na sasakyan] ng mga barangay officials dito sa Sto. Nino. Ang sasakyan na ito ay malaking tulong para sa aming barangay kung saka-sakaling kami ay magkaroon ng problema,” ani Oncepido.

“Noong una na wala pa kaming sasakyang ganito, napakahirap sa amin kung magkaroon kami ng emergency na kakailanganing itakbo papuntang San Vicente, mahirap talaga. Tiis kami sa motor o either yung topdown,” kuwento pa niya.

Nakapaloob sa nilagdaang usufruct agreement sa pagitan ng pamahalaang bayan ng San Vicente at pamahalaang barangay ng Sto. Niño na gagamitin ang sasakyan sa pagtataguyod ng kaligtasan ng publiko, pag-responde sa mga sitwasyong emergency, sakuna, at rescue operations.

Pinangunahan ni Mayor Amy R. Alvarez ang pag-abot ng susi ng sasakyan sa naturang barangay. Sa kanyang mesahe ay pinasalamatan niya ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan sa pag-apruba ng pondo upang makabili ng naturang mga sasakyan.

“Finally, nandito na. Importante itong mga sasakyan para sa emergency response ng barangay Sto. Niño at iba pang mga barangay dito sa San Vicente,” sabi ni Mayor Alvarez sa dayalektong bisaya.

Ayon naman kay SB Member Romulo B. Molo, buo ang suporta ng Sangguniang Bayan sa mga programang itinataguyod ng alkalde.

Hiniling din niya sa pamunuan ng barangay na ingatan ang rescue vehicle.

Nakasaad sa usufruct agreement na ang maintenance at ang drayber ng sasakyan ay tungkulin ng Pamahalaang Bayan samantalang ang pangangailangan sa fuel ay nakatalaga sa Pamahalaang Barangay.

Dumalo sa turn-over ceremony sina Municipal Local Government Operations Officer Rustico Dangue, SB Maria Carmen L. Silagan, SB Ramir R. Pablico, Sr., SB Lilibeth B. Uapal-Osorio, SB Antonio E. Rabina, Jr. at Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Orlando C. Estoya.

Noong Martes, Abril 27, ay tinanggap ng Brgy. Binga ang kaparehas na rescue vehicle.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img