Photo by PCSDS Linapacan

Isang bangkang nagsasagawa ng illegal fishing sa karagatang sakop ng Barangay Colaylayan, Linapacan ang nahuli ng mga opisyales sa lugar katuwang ang mga tauhan ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) noong Sabado ng gabi, Enero 23.

Dinakip ng awtoridad ang kapitan ng bangka na kinilalang si Gerald Espanola, residente ng bayan ng Roxas, at dalawang kasamahan nito na hindi pa napangalanan. Maliban sa bangka na napag-alaman ding hindi rehistrado ay nakumpiska sa kanila ang isang compressor na ginagamit sa pangingisda at 80 kilos ng isdang molmol (parrot fish).

 

Photo by PCSDS Linapacan

Sa panayam ng Palawan News kay kapitan Romeo Pacaldo ng Brgy. Colaylayan, sinabi niyang makailang ulit na siyang nakatanggap ng impormasyon mula sa mga residente na may umaaligid na malaking pumpboat sa kanilang nasasakupan na nangingisda gamit ang iligal na pamamaraan at noong gabi nga ng Enero 23 ay nahuli nila ito.

“Nabili raw ni Espanola ang pumpboat dito rin sa Colaylayan,” pahayag ni kapitan Pacaldo. Ayon pa sa kanya, nagpaliwanag din ang may-ari ng bangka na hindi pa ito nakakasadya sa barangay para kumuha ng permit para sa taong 2021.

“For the mean time, confiscated natin lahat ng gamit at pagmumultahin po sila dahil sa paglabag sa umiiral na barangay ordinance natin sa illegal fishing,” ani Pacaldo.

 

 

About Post Author

Previous articleSM included in 2021 Bloomberg Gender-Equality Index for 2nd time
Next articleRainy weekend expected, but no storm anticipated
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.