- Advertisement by Google -

Aabot sa 3,633.3 board feet ng assorted banned species ng ilegal na pinutol na kahoy ang nasamsam ng mga awtoridad sa Sitio Rayakan, Barangay Sowangan Quezon noong Linggo, July 17.

Ang sinasabing dami ng board feet ng mga pinutol na kahoy ng walang permiso ay may halagang P145,356. Kasama na nakumpiska rin ang isang chainsaw na may tinatayang halaga na P50,000.

Ito ay resulta ng operasyon na ikinasa ng pinagsamang puwersa ng Community Environment and Natural Resources Office ng Department of Environment and Natural Resources (CENRO DENR) ng Quezon, Special Boat Unit (SBU) sa Quezon ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group, Criminal Investigation and Detention Group-Palawan, at Naval Forces West.

- Advertisement -

Bigo naman ang mga awtoridad na mahuli ang mga suspek, ngunit patuloy ang isinasagawang imbestigasyon upang matukoy ang mga nasa likod ng ilegal na gawaing ito.

Kasalukuyang nasa pangangalaga ng CENRO DENR sa Quezon ang mga nasamsam na kontrabando matapos ang karampatang dokumentasyon at disposisyon ng mga ito.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleSangguniang Panlalawigan seeks creation of two DepEd schools division office
Next articlePTA ng isang eskwelahan sa El Nido, inirereklamo dahil sa patung patong na singilin sa mga estudyante
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.