- Advertisement by Google -

Naharang ng mga awtoridad sa Zamboanga International Airport noong Martes, July 5, ang may P442,000 na halaga ng ilegal na droga na ishi-ship sana sa isang receiver na nakasilid sa parcel ng toy truck sa address na nasa Barangay Sta. Monica dito sa Puerto Princesa City.

Ayon kay Jury Rocamora, hepe ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) office sa Zamboanga City, ang parcel ay ipinadala galing sa isang residente sa Barangay San Roque sa natura din na siyudad.

Ang halaga ay katumbas ng 70 grams ng shabu na nadiskubre sa ikinasang operasyon matapos may airline personnel na nag-alerto sa mga pulis tungkol sa isang “black spot” sa isang parcel na naglalaman ng toy truck na dumaan sa X-ray inspection.

May K9 team na pinadala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Zamboanga airport para kumpirmahin kung ilegal na droga nga ang laman ng rubber tube na naka-attach sa toy truck, ay nalaman nga na ito ay mga white crystalline substance na pinaghihinalang shabu.

- Advertisement -

Sa pahayag ni Rocamora, sinabi nito na kinukumpirma pa nila ang pagkakakilanlan ng sender at ng receiver ng parcel sa pamamagitan ng PDEA Palawan. Hindi niya pinangalanan ang mga suspek. (PNA)

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articlePAGASA keeping track of two LPAs, one near WPS
Next articleChinese national injured in road crash in Iwahig