30 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Ibba nanawagang itaas ang ₱455 minimum wage sa Palawan

Nanawagan si Board Member Al-Nashier M. Ibba na itaas ang ₱455 arawang minimum wage sa Palawan dahil hindi na ito sapat upang matustusan ang tumataas na presyo ng pagkain, gasolina, pamasahe, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Sa panayam sa programa ng radyo ng provincial government na SP101 ng 96.7 Palawan Island Network nitong Miyerkules, August 5, ipinahayag ni Ibba na ₱300 ang agwat ng minimum wage sa Palawan at ng ₱755 na arawang sahod ng mga non-agriculture worker sa National Capital Region.

“Ngayon, nasa ₱455… tapos sa Manila ₱755, difference of ₱300,” ani Ibba.

Batay sa tala ng National Wages and Productivity Commission (NWPC), ang ₱455 minimum wage sa Palawan at buong MIMAROPA ay ipinatutupad sa ilalim ng Wage Order No. RB-MIMAROPA-13, na naging epektibo noong January 1, 2026.

- Advertisement -

Sa NCR, ang ₱755 minimum wage para sa non-agriculture sector ay naging epektibo noong July 25 sa ilalim ng Wage Order No. NCR-27. Nasa ₱718 naman ang minimum wage para sa agriculture sector at ilang maliliit na retail, service, at manufacturing establishment.

Kung ibabatay sa 26 na araw ng trabaho kada buwan, maaaring kumita ang isang minimum wage earner sa Palawan ng ₱11,830, kumpara sa ₱19,630 para sa isang non-agriculture worker sa NCR. Katumbas ito ng tinatayang ₱7,800 na buwanang agwat, hindi pa kasama ang overtime, holiday pay, allowances at deductions.

Iginiit ni Ibba na dapat isaalang-alang sa pagtatakda ng sahod ang aktuwal na halaga ng pamumuhay sa Palawan.

“Kung i-co-compare ninyo ang cost of living, katulad ng mga pamilihan natin dito, iyong fuel, mga gasolina, napakataas dito sa atin sa Palawan,” aniya.

Dagdag niya, mas mabigat ang kalagayan ng mga manggagawang nangungupahan at araw-araw na gumagastos sa pamasahe, lalo na sa Puerto Princesa.

“Sapat lang talaga na maka-survive ka, pero iyong makaipon po, hindi po iyon sapat,” sabi niya.

Idinagdag ni Ibba na sinusuportahan niya at ng iba pang board members ang mga resolusyong humihiling na dagdagan ang minimum wage sa lalawigan.

Hindi naman tinukoy sa panayam ang numero ng mga resolusyon, halagang iminungkahing dagdag, at kung naipadala na ang mga ito sa regional wage board.

Kinilala rin niyang kailangang isaalang-alang ang kakayahan ng mga negosyo na magbayad upang hindi malagay sa alanganin ang kanilang operasyon.

“Siyempre may mga consideration din, baka malugi din iyong mga kompanya. So, lahat naman iyan napag-uusapan, kailangan balance lang,” aniya.

Sa ilalim ng Republic Act No. 6727, o Wage Rationalization Act, ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang may kapangyarihang magtakda ng halaga at panahon ng minimum wage adjustment. Saklaw ang Palawan ng RTWPB-MIMAROPA.

Maaaring magpasa ang Sangguniang Panlalawigan ng resolusyong humihiling ng wage review at magsumite ng datos tungkol sa presyo ng mga bilihin at pangangailangan ng mga manggagawa, ngunit hindi nito maaaring direktang baguhin ang minimum wage ng mga empleyado sa pribadong sektor.

Tinalakay rin sa programa ang hiwalay na hakbang para sa standardized wage rates ng job order at contract-of-service personnel sa Provincial Maintenance Group ng Provincial Engineering Office.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
Celeste Anna Formoso
Celeste Anna Formosohttps://palawan-news.com/
is a Filipino journalist and the managing editor of Palawan News, a regional publication based in Puerto Princesa City, Palawan, Philippines. Since joining the news organization in January 2019, she has overseen its editorial operations, contributing to its growth and reputation for in-depth local reporting. Her journalism spans a wide array of topics, including politics, environmental issues, defense, and public health.
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img