By Ruil Alabi

BROOKE’S POINT, Palawan — Pinag-aaralan ng lokal na pamahalaan ng bayan na ito na huwag munang ipatupad ang paniningil ng household garbage collection fee na nakasaad sa Revised Municipal Revenue Code 2020-34, ayon kay mayor Mary Jean Feliciano.

Ayon sa alkalde, mas mainam na isuspende muna ang pagpapatupad ng household garbage collection fee na magpapataw sana ng P1.20 bawat kilo o P60 kada 50 kilos na kabayaran para sa segregated waste ng mga residente na kokolektahin ng solid waste.

Ani kay mayor Feliciano noong Biyernes (Pebrero 12), mas maina na pag-aralan muna ito ng maayos dahil hindi pa malinaw sa mga taga-Brooke’s Point ang magiging paniningil ng Municipal Environment and Natural Resources (MENRO).

Bukod sa pangangailangan sa public consultation at information campaign, mahirap din ang buhay ngayon dahil sa patuloy na COVID-19 pandemic na nararanasan.

- Advertisement -

“Kung puwede, huwag na muna ito gawin dahil alam naman natin na ang hirap pa ng buhay talaga at sabi ko nga need na pag-aaralan pa talaga ito ng maayos. Kailangan pa talaga natin ng maraming IEC diyan,” ayon kay Feliciano.

“Nasa Sangguniang Bayan (SB) na rin yan kung ia-amend si Letter T or i-suspend under Article K, Letter T (Household fee). Sa ngayon, [yon] ang pananaw at nakikita natin,”dagdag ni Mayor.l Feliciano.

Sa pahayag naman ni MENRO head Remie Mostiero noong ding Biyernes, sinabi niyang humingi ng dayalogo sa kanyang opisina si Feliciano kaugnay sa household garbage collection fee, at naiintindihan naman niya ang pakiusap.

Ipinatawag sila noong Pebrero 9 sa SB para i-explain ang kanilang side tungkol sa ipatutupad na paniningil sa segregated waste.

“We understand naman po ang sabi ni mayor or ng ating SB. Nag-i-implement lang naman kami ng batas, hindi kami ang gumawa ng batas,” sabi ni Mostiero. “Nasa kanila rin naman po kung isususpendi nila”.

Ayon naman kay Kgd. Ton Abengoza ng SB, naipahayah na niya ang saloobin ng kanyang mga kababayan sa kanyang privelege speecg noong Pebrero 9 at na-refer na ang usapin sa Committee on Environment.

“Totoo po yan na hindi pa napapanahon ito at sobrang hirap pa ng buhay to implement this kaya ang usaping ito ay nai-refer na sa environment committee na magsasagawa po dyan ng pag-aaral kung ito ay ipapasuspende o may babaguhin kung sakali, wala pa pong schedule,” sabi ni Abengoza.

Aniya pa, maaari ring gumawa ng isa pang ordinansa na magsususpende muna dito kung sakali.

Previous articleBoarding house sa Brgy. San Manuel, ninakawan
Next articleCA: Womanizers psychologically incapable of marriage
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.