Arestado ang isang tinuturing na high-value drug suspect sa isinagawang buy-bust operation ng Station Drug Enforcement Team ng Police Station 1 ng Puerto Princesa City Police Office bandang 9:40 ng gabi nitong Lunes, June 15, sa Purok Bagong Buhay, Barangay Bancao-Bancao.
Kinilala ang suspek sa alyas “Jayboy,” 42 taong gulang at residente ng nasabing barangay.
Ayon sa ulat ng pulisya, nakabili ang poseur buyer ng isang heat-sealed transparent sachet na pinaghihinalaang shabu na may tinatayang halagang ₱5,984.
Nasa kustodiya na ng Police Station 1 ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon sa City PNP, bahagi ang operasyon ng kanilang pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga sa lungsod.



