Larawan mula sa Cuyo LGU.

Naisalin na sa pangangalaga ng lokal na pamahalaan ng Cuyo ang isang backhoe noong Lunes, Mayo 24, matapos na sumailalim sa quarantine ang nagdala nito, ayon kay Mayor Mark Delos Reyes.

Ang nasabing backhoe ay pinondohan mula sa 20% development fund ng pamahalaan.

Ayon pa kay Delos Reyes, gagamitin ang nasabing heavy equipment para sa paggawa ng dump site at iba pang mga nakahilerang infrastructure development project ng bayan. Dagdag pa niya, may iba pang mga kagamitang para sa infrastructure development ang darating.

“Noong May 14 pa dumating ito ng Cuyo, kaso ‘yong nag-deliver ay nag-quarantine pa kaya noong Monday lang nadala sa munisipiyo” paliwanag ni Delos Reyes 

“Unti-unti na nating nakukumpleto ang mga gamit na kailangan ng LGU. Malaking tulong sa atin ang backhoe pati na sa mga canal sa mga barangay madali nalang natin maayos,” ani Delos Reyes.

“Mayroon pa tayong sumunod na binili, isang dump truck para magamit din sa pag hakot nang basura dahil sira na ang ating compactor,” dagdag niya.

Previous articleHybrid tourism summit tackles growing confidence in MICE
Next articleDante intensifies into tropical storm
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.