No Images found.

Half lane ng Malambongan Road sa Rizal, maaari nang daanan

Ayon sa paliwanag ng representative ng kontraktor na pinamamahalaan ni Engr. Boy Rodriguez sa chairperson ng committee on infrastructure na si municipal councilor Grazil Macasaet-Zapanta, isinara nila half lane dahil sa isinasagawang digging at paglalagay ng box culvert sa nasabing daan noong huling linggo ng DIsyembre ng nakalipas na taon.

(Image from Rizal Tambayan FB group)

RIZAL, Palawan — Pinayagan nang makadaan ang mga sasakyan noong Lunes (Enero 18) ng isang pribadong kontraktor ang kalahati ng Malambongan Road, Barangay Punta Baja matapos itong kausapin ng Sangguniang Bayan.

Ayon sa paliwanag ng representative ng kontraktor na pinamamahalaan ni Engr. Boy Rodriguez sa chairperson ng committee on infrastructure na si municipal councilor Grazil Macasaet-Zapanta, isinara nila half lane dahil sa isinasagawang digging at paglalagay ng box culvert sa nasabing daan noong huling linggo ng DIsyembre ng nakalipas na taon.

Nag-ugat ito sa mga reklamong ipinarating ng mga residente sa Sangguniang Bayan na nagsasabing walang itinakdang alternative route ang kontraktor kaya’t hirap ang mga sasakyan na dumaan dito.

“Nagpaliwanag naman po sila sa dahilan kung bakit naisara nila ang buong daan kaya nga lang kailangan talagang madaanan ang kalahati. Ang reason is naghukay sila ng buo sa gitna para sa culvert, nahirapan ang mga motorista natin, at mga malalaking sasakyan doon,” sabi ni Zapanta noong Lunes.

“Normally naman sa road concreting, kapag sinisemento ang kalahati kailangan ang half lane ay nadadaanan talaga. Kaya na i-privilege natin yan na baka may magawa tayo sa ating committee. Tinulungan po tayo ng PEO ni Engnr.Purisima na makausap ang kontraktor nila doon at ngayon okay na,” dagdag niya.

Ayon kay Zapanta, nagpadala na ng mensahe sa kanya si Engr. Rodriguez na puwede ng madaanan ang half lane habang nagsasagawa sila ng road concreting sa kalahati.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry