BROOKE’S POINT, Palawan — Isang grupo ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang aktibong tumutulong ngayon sa mga kababayan nila na residente ng Barangay Salogon upang makalampas ang mga ito sa hirap na dulot ng kasalukuyang quarantine.

Ang grupo na pinangalanang “OFW Pusong Mahirap Para sa Mahihirap” ay binuo ng mga Overseas Filipino Worker ng Saudi Arabia mula sa nasabing barangay na pinangunahan ni Winnie Vijano.

Sa pamamagitan ng mga kontribusyon mula sa kapwa nila OFW, nakakapagpadala ang grupo ng pera sa isang kakilala nila na siyang namamahagi ng food packs para sa mga taga Barangay Salogon.

“Gusto ko lang makatulong sa barangay na nasasakupan namin, Salogon at Malis . At ito din ang mithiin ng mga nag-join sa grupo na tulad kong OFW ng salogon at malis. Kahit sa kunting tulong lang ang maiabot namin sa mga mahihirap na kabaranggay,” ayon kay Winnie Vijano.

Aniya, nasa 400 pamilya na ang nabahaginan ng tulong ng kanila grupo, maliban pa sa mga naiambag nito sa mga frontliners ng barangay.

“Nakabigay na kami ng kunting tulong sa 400 pamilya, karamihan po dito ay ang mga katutubo, matatanda, single parent. Kunting halaga lang po galing sa “OFW Pusong Mahirap para sa Mahihirap,” ayon pa kay Vijano.

About Post Author

Previous articleBrooke’s Point subsidizes fuel of registered tricycles
Next articleEditorial: Mass testing and managing the pandemic in Palawan
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.