Photo from Information & Communication Section of San Vicente, Palawan Facebook page.

SAN VICENTE, Palawan — Inalis na ng Municipal Inter-Agency Task Force for COVID-19 (MIATF) sa ilalim ng granular lockdown ang ilang lugar na sakop ng Purok Panindigan, Barangay Poblacion sa bayang ito.

Ang pagpapatigil ng granular lockdown ay base sa Resolution no. 06-08 ng MIATF kung saan, nakasaad din na ito ay naging epektibo at nakatulong upang masolusyonan ang lumalang kaso ng c sa naturang lugar.

Ang mga pamilya ng mga residenteng nagpositibo ay kasalukuyan pa sumasailalim sa quarantine at angiba naman ay naka-isolate na rin na upang hindi na makahawa habang ipinagpapatuloy naman ng barangay ang monitoring sa mga kabahayang naapektuhan  ng granular lockdown.

Matatandaang isinailalim sa lockdown ang Area 2, Area 4 at Area 5 ng naturang Purok noong Hunyo 17 hanggang Hulyo 01 dahil sa mabilis na pagdami ng kaso ng COVID-19 doon.

- Advertisement -

Kasabay ng pagpatupad ng lockdown sa Purok Panindigan ang pagsasagawa ng active case finding kung saan isinailalim sa pagsusuri ang mga pangunahing nakasalamuha ng mga taong nagpositibo.

Sa naturang lockdown ay ipinatupad ang zoning containment strategy kung saan itinalaga ang critical, containment, buffer at outside buffer zone. Ang galaw ng mga tao at iba pang aktibidad na nasa critical zone ay hinigpitan batay sa regulasyong ipinapatupad sa mga lugar na nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ). Nagtalaga na rin ng Incident Management Team upang pamahalaan ang pagpapatupad ng granular lockdown.

Namahagi rin ang Pamahalaang Bayan ng mga food packs sa mga apektadong pamilya.

Previous articleHouse panel OKs bill on gender-responsive protocols amid pandemic
Next articlePalawan State University, CHED ink P25 million agreement to fund Project I-CONNECT
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.