Sep 25, 2020

Galos sa katawan ang tinamo sa motorcycle crash, patay kinabukasan

Ayon P/Cpl. Rodney Sagala, naaksidente ang biktimang si Joseph Bacunga Angeles, 52, noong Linggo nang mawalan ng preno ang kanyang motor at nag-crash ito na nagdulot ng sugat sa kanyang paa at braso.

Galos sa ilang bahagi ng katawan ang tinamo ng isang motoristang naaksidente noong Linggo sa bayan ng Brooke’s Point. Subalit matapos ma-discharge sa ospital at makauwi ito sa kanyang bahay, isinugod itong muli sa pagamutan at pagkatapos ay namatay.

Ayon P/Cpl. Rodney Sagala, naaksidente ang biktimang si Joseph Bacunga Angeles, 52, noong Linggo nang mawalan ng preno ang kanyang motor at nag-crash ito na nagdulot ng sugat sa kanyang paa at braso.

Matapos umano itong gamutin sa ospital ng Brooke’s Point, umuwi na ang biktima sa pagaakalang nasa maayos lang siyang kalagayan.

“Pero noong Lunes, alas tres ng madaling araw, ay tumawag sila sa MDRRMO, siguro may ininda siya sa internal niya. Alas tres ng madaling araw, ay namatay na siya. Malamang may fracture sa loob ng katawan niya,” ang sabi ni Sagala.

Napag-alaman ng mga doktor na internal bleeding ang dahilan ng pagkamatay nito.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry