PIA file photo

ODIONGAN, Romblon — Aabot na sa 63,575 katao sa buong probinsya ng Romblon ang bakunado na laban sa coronavirus disease 2019 o Covid-19.

Ito ay base sa datos na inilabas noong Oktubre 28 ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU).

Ayon sa PESU, sa 180,236 katao na target na mabakunahan, may 35% nang fully-vaccinataed laban sa virus.

Pinakamataas na bilang na mga nabakunahan ay ang mga sa A1 prority group na lumagpas na sa 100% ang target nila.

- Advertisement -

Sinundan ito ng mga kabilang sa A4 priority na may 74% na ng taget na 31,835 ang fully vaccinated laban sa virus.

Samantala, sa mga senior citizen ng probinsya, nasa 48% pa lamang ng 12,604 na mga senior citizen ang fully vaccinated.

Inuulat rin ng PESU na sa 190,000 total vaccines allocation ng Romblon ay may 137,371 na silang naiturok o 72% ito ng usage percentage sa mga bakuna laban sa Covid-19.

Patuloy ang ginagawang panghihikayat ng PESU at ng Department of Health sa publiko na magpabakuna na laban sa virus.

Sa ngayon, ang Romblon ay kasalukuyang may 227 aktibong kaso ng Covid-19. (PJF/PIA Mimaropa)

Previous articleDOST-MIMAROPA leads groundbreaking of planned Prov’l S&T Center satellite regional office in OrMin
Next articleProvince wants to ease travel restrictions for foreign tourists