Isang kawani ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Aborlan ang nasawi matapos mabangga ang sinasakyan nitong motorsiklo sa isang pampasaherong van sa kahabaan ng national road sa Sityo Maligaya, Barangay Iraan sa natura din na bayan, Biyernes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Lemuel Panggo, 27, samantalang ang drayber ng van ay kinilala naman na si Bernabe Ceralbo III, 32.

Base sa impormasyon na ibinahagi ni P/Cpt. Ric Ramos ng Palawan Provincial Police Office (PPO), dead on arrival si Panggo sa ospital. Patungo siya sa Brgy. Isaub mula sa Poblacion ng mangyari ang aksidente.

Kusa namang sumuko si Ceralbo sa pulisya matapos ang pangyayari.

 

- Advertisement -

Previous articlePCG files complaints vs 10 undocumented Chinese nationals
Next articlePakistani national not being treated as a ‘terrorist’ case
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.