Isang empleyado ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Cuyo ang inaresto ng awtoridad matapos itong mabilhan ng pinaghihinalaang droga sa Barangay Lagaoriao kahapon, October 2.

Ayon sa Cuyo Municipal Police Station (MPS) si Eugene Abog, 45, ang kauna-unahang drug personality na naaaresto nila simula ng ideklarang drug-free ang kanilang bayan noong 2019.

Mula sa Maynila ang drogang ibinibenta ng suspek sa bayan na naipapasok sa pier, ayon kay Lt. Marvin Hererra ng Cuyo MPS.

“Tinanong natin siya (suspek), ang sabi nya September lang daw siya nagsimula na magbenta dito sa Cuyo. Nakakalusot sila sa pier sa Maynila, yung mga bumibiyaheng mga bangka, minsan nga sa barge diyan sila sumasakay,” pahayag ni Herrera

Nakuha sa suspek ang buy-bust money na P2,500 ang halaga, smart phone, keypad phone, at isa pang sachet sa pangangalaga nito na may estimated na bigat na aabot sa 0.098 grams at may market value na P2,500.

Maliban kay Abog , mino monitor na rin ng mga pulis ang mga indibidwal na nauugnay sa droga sa bayan. Aniya, hindi magtatagal ay isa isang aarestuhin ang mga ito.

“Monitored na namin lahat, kaya kapag hindi sila tumigil, sinisiguro namin, dahil drug-free na kami at sila ang sumisira ng record, hindi kami titigil hanggat patuloy sila sa maling gawain na ‘yan, mahuhuli’t mahuhuli namin sila,” ayon pa sa kanya.

About Post Author

Previous articlePPCWD completes transmission lines servicing rural barangays
Next articleClub Paradise Palawan in Coron named among the world’s top 100 green destinations
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.