SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan — Malaking tulong sa Punang Elementary School (PES) sa Barangay Punang sa bayan na ito kung mabibigyan ng pondo ng munisipyo ang paglalagay ng harang sa katabing ilog na nagiging dahilan ng pagbaha sa eskwelahan kapag tag-ulan.

Ayon sa punong guro ng PES na si Dora Abid sa panayam ng Palawan News noong Huwebes, tuwing malakas ang ulan ay tumataas ang tubig at binabaha ang kanilang eskwelahan. Minsan ay umaabot hanggang taas ng tuhod ang baha.

Sabi ni Abid, catch basin kasi ang kanilang lugar kaya kapag tumataas ang tubig sa ilog ay napupunta ito sa PES.

“Catch basin talaga ang school namin, sobrang mababa ang areas. Sa palagay ko kami lang na school sa Española ang laging binabaha lalo na kapag umapaw ang ilog na katabi ng school namin. Napupunta dito,” pahayag ni Abid.

“Ang mga guro ko dito ay sanay na talaga kapag umuulan dito — aasahan talaga ang pagtaas ng tubig. Buti na lang ngayon ay walang estudyante, pero kaming mga guro dito sanay na din. Sana malagyan talaga ng wall ang likod namin na malapit sa ilog,” dagdag pahayag niya.

Sabi ni Abid, bago magsimula ang klase noong October 5 at magbalik ang mga guro sa paaralan ay nakaranas din sila ng mataas na baha dahil sa malakas na ulan at pag-apaw ng tubig.

Ipinaliwanag din niya na una nang nabanggit ng punong barangay na si Hamrin Alip na inilapit na ang problema sa municipal government para matulungan ang sitwasyon.

“May ongoing project na wall na ilalagay dito sa amin sa pagitan ng school at ilog na katabi ng school namin sa pamamagitan ng disaster preparedness funds, at sana ay maisakatuparan yon para mabawasan ang pangamba namin dito sa aming paaralan,” dagdag ni Abid.

 

About Post Author

Previous articlePalawan cashew products to be marketed online
Next articlePalawan mines among nickel companies that have planted 6.59M trees
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.