Tatlong bagong aktibong kaso ng COVID-19 ang naitala sa El Nido matapos makumpirma ang kanilangĀ  resulta ng RT-PCR test. Dahil dito, umakyat na sa 15 mula sa 13 ang active COVID-19 cases ng naturang bayan.

Apat na panibagong probable cases naman ang naitala mula sa contact tracing efforts, ayon kay Dr. Marian Relucio, municipal health officer ng El Nido, nitong araw ng Lunes, Mayo 10.

Ang mga bagong kaso ay kinabibilangan ng dalawang babaeng 47 taong gulang, mula sa Brgy. Villa Paz; 44 taong gulang, mula sa Brgy. PasadeƱa, at isang lalaking edad 42  mula sa Brgy. PasadeƱa, nagtatrabaho sa isang construction ng telecommunications tower.

Nagtala rin ng limang bagong probable cases ang bayan na kinabibilangan ng isang lalaking 14 taong gulang mula sa Brgy. PasadeƱa, at limang babaeng may edad na 14 taong gulang mula sa Brgy. PasadeƱa; 53 taong gulang na nagpakonsulta sa Northern Palawan Provincial Hospital (NPPH) kung saan siya nag-positibo sa Rapid Antigen Test (RAT) at kasalukuyang naka-confine sa Roxas Medicare Hospital; 35 taong gulang; at 12 taong gulang. Ang tatlo ay nagmula sa Sitio Calitang sa Brgy. Bucana.

Dalawa naman ang naitalang recoveries ng bayan.

Sa kasalukayan ay may 15 aktibong kaso ng COVID-19 ang El Nido at 30 naman ang probable case.

Previous articleFirst tranche of U.S. Pfizer-BioNTech vaccines delivered to the Philippines
Next articleTatlong bagong COVID-19 local transmission case naitala sa Sofronio EspaƱola
is the correspondent of Palawan News in San Vicente, Palawan. He also covers politics, government policies, tourism, health and sports. His has interest in travelling and exploring different places and food.