Nanguna ang E-Governance Program ng pamahalaang panlalawigan sa online orientation para sa paggamit ng StaySafe.Ph app kamakailan, na nilahukan ng mga department heads at mga representante ng bawat tanggapan sa Capitol, kabilang na ang ilan na mula sa ibang mga lokal na pamahalaan.

Ayon kay Roque dela Peña, ang program manager ng E-Governance Program, layunin ng oryentasyon na maturuan at maibahagi sa mga partisipante ang paggamit ng naturang app para mahikayat ang mga ito na unti-unti nang simulan ang paglulunsad nito sa bawat establisyemento o tanggapan kung saan sila nagtatrabaho.

Ang bagay na ito ay bilang pagtalima sa kautusan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) batay sa inilabas na DILG Memorandum Circular No. 2021-75 ‘Implementation on the Use of StaySafe.Ph for Cities and Municipalities’.

Ang nasabing oryentasyon ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan ng DILG at Department of Information and Communication Technology (DICT) kung saan natalakay ang kahalagahan at kakayahan ng nasabing app, partikular sa community-driven contact tracing system na nakikita ng pamahalaan na pinaka epektibong paraan upang mas mabilis na mamonitor ang mga nagpopositibo sa COVID-19 at mabawasan ang lalo pang paglaganap ng virus sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Naging tagapagsalita si Glen Dan Esconili ng StaySafe.ph na siyang nagpaliwanag ng system’s features at step by step process kung papaano makakapag access ng naturang application upang makapagpatupad nito ang bawat opisina para mamonitor ang mga pumapasok na mga empleyado o kliyente.

Samantala, ayon pa kay Roque, kasalukuyang nasa dry run period na ngayon ang paggamit ng nabanggit na application sa kapitolyo at patuloy silang naghahanda para sa full implementation nito sa susunod na buwan.

About Post Author

Previous articleBangka at Chariot ni Eco Project info campaign, inilunsad sa Coron
Next articleDear Tita Beth