Ang DTI Mimaropa at LGU Busuanga sa pag-turn over ng mga equipments para sa mga handicraft organizations. (Larawan mula sa LGU Busuanga)
- Advertisement by Google -

Pinagkalooban ng Department of Trade Industry (DTI) Region IV-B ang Bambuhay Handicrafts at Busuanga Tailoring Association ng mga karagdagang kagamitan para sa kanilang handicraft-making livelihood project upang makatulong sa muling pagbangon ng mga ito sa hagupit ng pandemyang dala ng COVID-19.

Ayon kay Maribel Grezo, presidente ng Bambuhay Handicrafts, malaking tulong para sa kanila ang ganitong mga tulong lalo pa at bago pa lamang nakakabawi ang kanilang hanapbuhay.

“Sa totoo po, noong mahigpit talaga, wala pang turista, wala talaga kaming naibebenta, wala talagang kita ang organisasyon namin. Ngayon po kahit papaano pumasok na ang activity ng turismo sa amin, medyo maganda na ang benta,” pahayag nito.

“Salamat ng marami sa DTI, patuloy ang pagmamalasakit sa amin sa Busuanga sa mga handicraft makers sa aming bayan,” dagdag ni Grezo.

- Advertisement -

Ang Bambuhay Handicrafts ay isang organisasyon ng mga mamamayan mula sa ibat-ibang barangay ng Busuanga na gumagawa ng mga handicrafts kagaya ng basket at upuan na gawa sa kawayan, mga lampshades, bags na gawa sa pandan at iba pa na naibebenta sa mga turistang tumutungo sa kanilang bayan.

Personal na ipinagkaloob sa kanila ng mga opisyal ng DTI sa lalawigan ang ilang splitter, engraver at sewing machines na kanilang magagamit sa kanilang kabuhayan.

Sa ngayon ay positibo si Grezo na muli silang makakabangon dahil na rin sa tulong na kanilang natanggap.

“Sa ngayon po, tuloy-tuloy po ang produksiyon namin dito sa aming showroom sa barangay Sagrada, bagamat nasa ilalim pa rin po ng pandemya, umaasa kami na marami pa rin ang bibili ng aming mga gawa,” sabi pa niya.


ADVERTISEMENT


#AHealingPlace – Are you having trouble breathing? Visit your doctor now and get tested with our newly opened Pulmonary Care Services only here at Adventist Hospital Palawan. One of the Top 10 Best Hospitals in the country.

CALL US!
0915-788-8863 | 0966-442-9144

Stay Safe and Healthy!

#AHealingPlace

#AdventistClinic

#AdventistHospitalPalawan

#AdventistDialysisCenterBrookesPoint

Home of Love, Joy and Happiness

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articlePermanent 5 percent budget allocation for agri and fisheries sector sought
Next articlePalace to study possible PH-China joint exploration on WPS
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.