Larawan mula kay Mia Razul Batul

Pumanaw na ang 17 taong gulang na lalaking driver ng top down tricycle na nakabanggaan ng isang motorsiklo noong Sabado ng gabi, Abril 23, sa Barangay Rio Tuba sa bayan ng Bataraza.

Ito ay kinumpirma ni Naria Razul, ina ng nasawi, kasabay ng pag-apila nito ng tulong pinansyal para maiuwi ang labi ng kanyang anak sa nasabing bayan.

Ang biktima ay apat na araw pang na-confine ng walang malay sa isang pribadong ospital sa bayan ng Brooke’s Point kung saan ito dinala matapos ang aksidente.

Habang nasa ospital ay hinihintay sana itong magkamalay bago isailalim sa operasyon dahil sa namuong dugo sa kanyang utak dulot ng aksidente.

- Advertisement -

Matatandaang unang nasawi ang 13 anyos na backride ni Razul noong gabi, habang ligtas at nagpapagaling naman ang 16 taong gulang nilang kasama sa RTN Hospital.

Ang 20 taong gulang na driver naman ng motorsiklo at angkas nito na dinala rin sa isang ospital sa Brooke’s Point ay ligtas na rin at kasalukuyang nagpapagaling mula sa mga natamo nitong pinsala.

Previous articlePamahalaang panlalawigan nagsagawa ng sports clinic sa bayan ng Brooke’s Point
Next articleAbsentee voters cast votes for May 9 polls
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.