27.2 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

DILG: Walang kapangyarihan si Mayor Benedito na i-veto ang endorsement ng business permit ng Ipilan Nickel

Nilinaw ng Department of the Interior and Local Government (DILG) MIMAROPA na wala umanong legal na kapangyarihan si Brooke’s Point Mayor Cesareo Benedito Jr. para i-veto ang endorsement resolution ng Sangguniang Bayan kaugnay sa business permit ng Ipilan Nickel Corporation (INC).

Ito ang binigyang-diin ni Konsehal Hayati Dugasan sa kanyang privilege speech noong Lunes, Mayo 11, matapos ilabas ng DILG ang legal opinion hinggil sa naging aksyon ng alkalde.

Matatandaang noong Marso 23 ay vineto ni Benedito ang resolusyon ng konseho na nag-eendorso sa business permit ng INC, bagay na kinuwestyon ng ilang miyembro ng Sangguniang Bayan.

Batay sa legal opinion ng DILG na pirmado ni Assistant Regional Director Rey Maranan noong Abril 23, sinabi na limitado lamang ang veto power ng isang alkalde sa mga ordinansa, appropriation measures, at mga resolusyon na may kinalaman sa local development plans.

- Advertisement -

Ayon kay Dugasan, ang resolusyon para sa INC ay simpleng pagpapahayag lamang ng posisyon o rekomendasyon ng konseho at hindi ito may kaugnayan sa pondo o development plan ng munisipyo.

Dahil dito, sinabi ng konsehal na “ultra vires” o lampas sa legal na awtoridad ang naging pag-veto ni Benedito.

“To put it simply, the veto exercised by the Municipal Mayor is ultra vires, or beyond his legal authority, because the subject resolution is not a vetoable item under the Local Government Code,” ayon kay Dugasan.

Dagdag pa niya, dahil hindi umano kinikilala ng batas ang naturang veto, wala na ring kailangang aksyon ang konseho para baligtarin o i-override ito.

“We cannot ‘act’ upon a veto that is legally non-existent in the eyes of the law,” dagdag niya.

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati, naghain din si Dugasan ng mosyon upang maisama sa opisyal na rekord ng sesyon ng konseho ang legal opinion ng DILG bilang gabay sa mga susunod na usapin ng pamahalaang bayan.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
Ruil Alabi
Ruil Alabi
is Palawan News’ correspondent in Southern Palawan, covering local news across the municipalities in the area. He also reports on agriculture and has a keen interest in food and technology.
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img