26.8 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

DepEd pinag-aaralan ang pagbawas sa teaching load para tutukan ang student well-being

Pinag-aaralan ng Department of Education (DepEd) ang pagbawas sa teaching load ng mga guro upang magkaroon sila ng mas maraming oras para tutukan ang psychosocial well-being ng kanilang mga estudyante, ayon sa isang opisyal noong Biyernes.

Sinabi ni Education Undersecretary Malcolm Garma na bumabalangkas na ang DepEd ng policy para sa posibleng pagbabawas ng teaching load kasunod ng mga insidente ng pamamaril sa mga paaralan ngayong taon na ikinasawi at ikinasugat ng ilang estudyante.

“Bumabalangkas kami ngayon ng mga patakaran at polisiya kung pwedeng bawasan yung teaching load ng teachers natin para sa ganon makatutok sila sa psychosocial well being ng kanilang mga mag-aaral,” ani Garma sa state-run PTV.

Hindi nagbigay si Garma ng detalye kung gaano kalaki ang posibleng bawas sa teaching load o kung kailan ito ipatutupad.

- Advertisement -

Bukod sa physical security sa mga paaralan, sinabi niyang nakikita rin ng DepEd ang pangangailangang palawakin ang mga programa nito para sa digital safety ng mga estudyante at school personnel.

“Nakita natin na hindi lang yung pisikal na paghahanda ng mga paaralan ang kailangan natin para maiwasan ang mga shooting incident sa mga paaralan,” ani Garma.

Ayon sa opisyal, sinusuri rin ng DepEd ang papel ng online groups sa paghubog ng ilang estudyante, kabilang ang mga nasasangkot sa insidente ng karahasan.

“Nakita natin na malaking bahagi ng impluwensya sa mga mag-aaral, especially yung perpetrators, ay may kinalaman sa online, sa kanilang pagsama sa mga online groups,” dagdag niya.

Sinabi rin ni Garma na mayroon nang sanctions ang DepEd para sa mga estudyanteng mapatutunayang sangkot sa cyberbullying.

Ang digital safety module ay hindi gagawing hiwalay na asignatura. Sa halip, isasama ito sa iba’t ibang learning systems ng DepEd.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
Jan Elmer Badilla
Jan Elmer Badillahttps://palawan-news.com/
is a Filipino journalist and desk editor at Palawan News, a leading news organization based in Puerto Princesa City, Palawan, Philippines. He covers a broad range of topics, including local governance, environment, disaster response, and indigenous affairs.
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img