Patay ang isang driver matapos maaksidente ang isang delivery truck sa isang pababang bahagi ng kalsada sa highway sa Barangay Abongan, Taytay, hilagang Palawan, ayon sa Palawan Police Provincial Office.
Kinilala ang biktima bilang si alias Romy, 46 taong gulang, residente ng Barangay San Manuel, Puerto Princesa City. Siya ang nagmamaneho ng isang puting Isuzu Forward aluminum van na may panel truck body.
Sa paunang imbestigasyon, napag-alamang galing sa Puerto Princesa City ang sasakyan at papunta sana sa Taytay, Palawan. May karga itong mga produktong pangkalakalan.
Habang binabaybay ang isang pababang kurbadang bahagi ng kalsada, nawalan umano ng kontrol ang sasakyan dahil sa problema sa makina, dahilan upang ito ay maaksidente.
Nagtamo ng matinding pinsala ang driver at agad isinugod ng mga rumespondeng tauhan ng MDRRMO sa Northern Palawan Provincial Hospital para sa gamutan.
Gayunman, idineklara siyang patay ng doktor bandang alas-1:45 ng hapon sa parehong araw.
READ IN ENGLISH
A delivery driver died after a truck crash along a descending road in northern Palawan, police said.
The Palawan Police Provincial Office reported that the incident involved a white Isuzu Forward aluminum van bearing a panel truck body, driven by alias Romy, 46, a resident of Barangay San Manuel in Puerto Princesa City.
Initial investigation showed that the vehicle, loaded with commercial products, was traveling from Puerto Princesa City to Taytay. While passing a descending curve at the site of the incident, the truck crashed after experiencing mechanical or engine failure.
The driver sustained serious injuries and was rushed by responders from the Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office to the Northern Palawan Provincial Hospital for treatment.
Police said the driver was declared dead by the attending physician at around 1:45 p.m. on the same day.



