Jan 22, 2021

Dating detenido sa provincial jail, nahaharap sa kasong rape

Ayon sa report ng Aborlan MPS, nagsumbong ang biktima sa isang kaanak nito matapos siyang halayin ng suspek ng ilang beses at sa magkakahiwalay na pagkakataon.

Nahaharap sa kasong panggagahasa ang isang lalaki matapos itong ireklamo ng apo ng kanyang kinakasama sa bayan ng Aborlan noong Disyembre 29, 2020

Ang 39 anyos na suspek ay kinilalang si Francisco Salli Paner na napag-alamang kalalaya lamang noong Nobyembre ng taong 2019 sa kasong murder. Naninirahan umano si Paner sa bahay ng lola ng bata na kanyang pinakasalan noong siya ay nakakulong pa.

Ayon sa report ng Aborlan MPS, nagsumbong ang biktima sa isang kaanak nito matapos siyang halayin ng suspek ng ilang beses at sa magkakahiwalay na pagkakataon.

“Ayon sa victim, limang beses siyang nagahasa. Hindi nagsusumbong ang biktima sa lola at nanay kasi natatakot siya sa suspek,” ayon kay P/Pat. Maria Theresa Isog.

“Hindi naman siya tinatakot ng suspek, sinasabihan lang po siya na ‘wag magsumbong,” dagdag pa niya.

Bagama’t pinasinungalingan ng ina ng bata at ng asawa ng suspek ang mga paratang nito, lumalabas sa medico-legal report na inabuso ang biktima, ayon sa imbestigador.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry