Dalawang tonelada ng giant clam shells, nakumpiska mula sa mga magsasaka sa Bataraza

Ang mga suspek na napag-alamang mga magsasaka at residente ng Purok 3 sa naturang barangay ay kinillalang sina Boyed Booc, 39; Roldan Miyas, 30; Jotesio Quirona, 49; Sayre Asadi, 23; Emer Lingkidan, 24; at Jomran Cabarlo, 45.

Aabot sa dalawang tonelada ng shells ng giant clam o taklobo ang nakumpiska ng mga operatiba ng Rio Tuba Detachment ng 2nd Special Operations Unit-Maritime Group (2nd SOU-MG) mula sa anim na indibidwal sa Barangay Igang-Igang sa bayan ng Bataraza noong Huwebes ng gabi.

Ang mga suspek na napag-alamang mga magsasaka at residente ng Purok 3 sa naturang barangay ay kinillalang sina Boyed Booc, 39; Roldan Miyas, 30; Jotesio Quirona, 49; Sayre Asadi, 23; Emer Lingkidan, 24; at Jomran Cabarlo, 45.

Ayon sa tagapagsalita ng 2nd SOU-MG na si P/Lt. Anna Viola Abenojar, matagal ng under surveillance ang anim na suspek sa iligal na pagbebenta ng giant clam shells. Ang modus ng mga ito ay ang ibaon ang mga nakolekta sa ilalim ng buhangin malapit sa dagat.

“Anim na buwan din ang ginawang surviellance ng mga tauhan ng maritime police sa lugar mula nang makatanggap kami ng information galing sa mga residente din lang doon sa area,” sabi nito.

 

 

“Hindi din nila agad pinursue yong operation, kasi gusto din talaga nila na mahuli kung sino ang namimili, nagpo-provide ng finances at saka lahat ng involve. ‘Yon nga lang dumating na ang time na nakakahalata na ang mga suspek na may nagmamanman sa kanila, kaya bago pa maubos lahat ng itinago nila doon sa buhanginan, kinasa na ang operation,” sabi ni Abenojar.

Maliban sa anim na naaresto may dalawa pang hindi na pinangalanan na personalidad ang kasamang sasampahan pa din ng kasong paglabag sa Section 27 ng R.A. 9147 o Wildlife Conservation Act.

Sinabi pa ni Abenojar na sa ngayon ay hindi pa nila nakukuha ang mga tao sa likod ng pamimili ng mga shell ng taklobo, ngunit paniniguro nito na hindi titigil ang maritime police hangga’t hindi sila nahuhuli.

“Hindi pa tayo makakapagbigay ng eksaktong mga personalities na namimili ng mga taklobo, pero yon ang patuloy nating ginagawaan ng paraan na mahuli natin o ma-identify sila,” sabi pa nito

Simula ng pumutok sa Palawan ang bilihan ng mga taklobo shell, ito na ang ikatlong operation ng 2nd SOU-MG.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry