26.4 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Dalawang prangkisa kada tricycle operator, isinusulong sa Puerto Princesa

Isinusulong ni Puerto Princesa Vice Mayor Peter “Jimbo” Maristela ang isang ordinansa na maglilimita sa hanggang dalawang prangkisa lamang ng tricycle para sa bawat operator upang mabigyan ng pagkakataon ang mas maraming indibidwal na magkaroon ng prangkisa.

Ayon kay Maristela, nabuo ang panukala matapos nilang matuklasan na may ilang operator na nagmamay-ari ng lima hanggang sampung prangkisa, habang marami pa ring naghihintay na mabigyan ng pagkakataong makapag-operate.

“Ginawa natin yan sapagkat natuklasan nga natin noong tayo ay nag-assume bilang vice mayor nung July, nakita natin na merong isang indibidwal na merong siyam hanggang sampung prangkisa, merong lima. Unfair naman ito doon sa mga kababayan natin na hindi mabigyan ng prangkisa kaya ginawa natin yung ordinansang yan,” ani Maristela.

Sinabi niya na mahigit 1,000 aplikasyon para sa bagong prangkisa ang kasalukuyang nakabinbin sa City Tricycle Franchising and Regulatory Board (CTFRB).

- Advertisement -

Ayon pa sa bise alkalde, ipinag-utos na niya sa CTFRB na suriin kung ang mga aplikante ay mayroon nang higit sa dalawang prangkisa. Kung lumalampas na rito ang bilang, hindi muna niya pipirmahan ang kanilang aplikasyon.

“At kung meron na ay hindi ko na pinipirmahan yung kanilang application para mabigyan naman ng pagkakataon yung iba. Sapagkat yung pagbibigay ng prangkisa kasama na yung sa tricycle, yan ay pribilehiyo lamang na binibigay ng ating pamahalaan, hindi yan karapatan. Nasa pamahalaan kung ipagkakaloob yan o hindi,” aniya.

Bagama’t nakabinbin pa ang panukalang ordinansa sa Committee on Transportation ng Sangguniang Panlungsod, sinabi ni Maristela na pansamantala muna nilang sinasala ang mga aplikasyon upang hindi maaprubahan ang mga operator na mayroon nang maraming prangkisa.

“Mahirap naman kasi kung nag-approve na naman tayo ngayon… magiging useless naman yung ordinansa natin na bago pa lang papa-aprubahan,” paliwanag niya.

Ayon kay Maristela, may humigit-kumulang 200 prangkisa na kasalukuyang hawak ng mga operator na may higit sa dalawang prangkisa.

Sa ilalim ng umiiral na ordinansa, sinabi niyang maaaring ilipat, ibenta, i-donate o i-waive ng operator ang kanilang sobrang prangkisa sa ibang kwalipikadong tao, kabilang ang kanilang mga kamag-anak.

Hindi rin aniya nakikita ng mga opisyal ng federation ng mga tricycle operator ang pangangailangang magdagdag pa ng bilang ng mga prangkisa sa lungsod sa ngayon.

“Siguro kung saka-sakali na magdagdag tayo at mapagkasunduan sa CTFRB, siguro unahin muna nating maipasa yung ordinansa na nagli-limit sa dalawa. Kasi mahirap kung mag-allow na naman tayo na magdagdag tapos yung mga dati nang may prangkisa ang mabibigyan,” ani Maristela.

Idinagdag niya na kapag dumating ang renewal ng Mayor’s Permit sa 2027, hanggang dalawang prangkisa na lamang ang maaaring i-renew ng bawat operator. Ang mga sobrang prangkisa ay kailangang mailipat sa iba, kung hindi ay maaari itong bawiin ng pamahalaang lungsod.

“Sa renewal ng Mayor’s Permit sa 2027 ay sisiguraduhin natin na ang mabibigyan ay hanggang dalawa lamang. Kung ikaw ay may lima, mamimili ka lang kung alin ang gusto mong i-renew. Yung iba, kung gusto mong gamitin ay pwede mo i-waive sa iba o kaya naman ay i-donate,” sabi niya.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
Gerald Ticke
Gerald Tickehttps://palawan-news.com/
is a Filipino journalist based in Puerto Princesa City, Palawan, Philippines. As a senior reporter for Palawan News, he reports on defense, politics, the environment, indigenous affairs, and regional development, with a focus on issues shaping Palawan and the wider region.
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img