Dalawang most wanted ng Puerto Princesa City Police Office ang magkahiwalay na naaresto ng mga awtoridad kahapon, October 23.
Unang naaresto ang isang 19 taong gulang na lalaki na nahaharap sa mga kasong statutory rape, paglabag sa Paragraph 1(d), Article 266-A ng revised penal code (RPC) na binago ng Republic Act (RA) 11648, at acts of lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng RPC kaugnay ng section 5(b) ng RA 7610, na binago ng RA 11648, sa Barangay Macarascas, bandang 12:55 kahapon.
Ang pag-aresto ay batay sa warrant of arrest na ipinalabas ni Arlene Bayuga Guillen, presiding judge ng Branch 13, Family Court, 4th Judicial Region, Regional Trial Court, Puerto Princesa City, na may petsang October 21.
Ang unang kaso laban sa suspek ay walang nakalaang piyansa, habang ₱108,000 naman ang piyansa para sa ikalawang kaso.
Samantala, sa Barangay Maunlad, naaresto ang isang 32-anyos na lalaki na nahaharap sa kasong attempted rape.
Ang warrant of arrest ay inisyu ni Jose Bayani J. Usman, presiding judge ng RTC Branch 50, 4th judicial region, Puerto Princesa City, noong October 8.
Aabot sa ₱120,000 ang piyansang itinakda para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.



