Mga bangkang nahuli dahil sa illegal na pangingisda sa municipal waters ng bayang ng Linapacan.

Dalawang bangkang na may sakay na mahigit 40 mangingisada ang magkasunod na hinuli ng mga awtoridad, matapos na maaktuhan ang mga ito na nangingisda sa municipal waters ng bayan ng Linapacan, araw ng Miyerkules, Mayo 26.

Ayon kay P/Lt. Alan delos Santos, hepe ng Linapacan Municipal Police Station (MPS), papunta sila sa Barangay Nangalao kasama si Vice Mayor Ruin Q. Abin at mga tauhan ng Municipal Health Office (MGO) nang maisipan nilang dumaan sa isla ng Canaron kung saan marami umanong mangingisda mula sa ibang lugar ang iligal na nananatili dito at posibleng lumabag na sa health protocols.

Habang naglalakbay bandang alas nueve ng umaga nang madaanan ng kanilang grupo ang bangkang Mark Four Sis. Kinilala ang kapitan ng bangka na si Allan Manhuyod Naparte, 48 taong gulang, kasama ang mahigit 30 crew na pawang mga residente ng Barangay Maruyog-ruyog sa nasabing bayan.

“Registered naman ang marami sa kanilang mga tauhan dito sa munisipyo. Mga mangingisda talaga sila dito. Ang nalabag lang niya ay dahil commercial fishing boat sila na mas mataas sa tatlong tonelada ang bigat, dapat ay lumampas sila sa 15 kilometro, mula sa coastline ng Linapacan,” pahayag ni Delos Santos.

Bandang 12:30 ng tanghali naman ay nasabat din ng grupo ang bangkang RH mula sa Barangay Paly sa bayan ng Taytay, lulan ang kapitan na kinilalang si Elbert Vargas Arroyo, kasama ang siyam na crew.

Ang mga nadakip na mangingisda ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa ordinansa ng munisipyo matapos na maabutang nangingisda sa loob ng municipal waters at gamit ang compressor na ipinagbabawal.

Previous articleBangkang tinangay ng isang lalaki sa Cuyo natagpuan sa El Nido
Next articleArzaga pinabulaanan na may kinalaman si Gob. Alvarez sa mahal na singil ng kuryente sa Manamoc Island
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.