Dalawang APOR mula sa Maynila nagpositibo sa antigen sa bayan ng Española

Municipal hall of Sofronio Española. | File photo

Dalawang Authorized Persons Outside Residence (APOR) na nagmula sa Maynila ang naging positive sa antigen test sa bayan ng Sofronio Española noong Biyernes, Hulyo 9.

Ang dalawa ay parehong residente ng Barangay Pulot Center na dumating noong July 2 at isinailalim ng Municipal Inter-Agency Task Force on COVID-19 (MIATF) sa pitong araw na quarantine sa isang accredited facility ng bayan.

“Nasa accredited facility/lodging house na din sila pagdating noong July 2. Ang latest protocol  kasi for inbound travelers ay seven days facility quarantine then antigen test. Kapag negative, discharge na sila, for home quarantine na lang ng three more days,” paliwanag ni Dr. Rhodora Tingson, Municipal Health Officer, araw ng Sabado, Hulyo 10.

Ani Tingson, pagkatapos na mag-positibo sa rapid antigent test ang dalawa ay agad inilipat ang mga ito sa main quarantine facility para obserbahan at tuluyang maka-rekober.

Samantala, isang 63 taong gulang na lalaki mula sa Brgy. Pulot Center ang naitala ring RT-PCR positive noong Biyernes.

Ayon kay Tingson, ang pasyente ay kasalukuyang naka-confine sa isang government hospital.

Sa kasalukuyan, ay may kabuoang 26 active cases ng COVID-19 ang bayan kung saan, 20 ang antigen reactive at anim naman ang RT PCR confirmed.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry