Tatlo ang sugatan at dalawang kabataan ang nasawi sa isang vehicular accident, Miyerkules ng umaga, sa Sitio Bubulongan, Barangay Corong-Corong, El Nido.

Ayon sa report ng El Nido Municipal Police Station (MPS), nawalan ng kontrol ang isang Toyota Hi-lux na lulan ang isang grupo ng mga kabataan at minamaneho ng isang kinilalang si John Paul Ramos Pioquinto, 22, at ito ay bumangga sa concrete barrier ng kalsada.

Sa initial na imbestigasyon ng pulisya, galing sa isang inuman ang grupo ng mga kabataan at ito ang maaaring naging dahilan ng aksidente.

“Nakainom sila. Sa Sitio Bubulungan sila galing, tapos napagkasunduang pumunta ng bayan, parang may bibilhin ata. Pabalik na sila nang mangyari ang aksidente,” pahayag ni P/Sgt. Jane Gonzales.

Dalawa sa 10 na lulan ng sasakyan ang dead on arrival sa El Nido Adventist Hospital, ayon kay Gonzales.

“Sabi ng mga nakaligtas, dahil tumaob nga yung sasakyan, ‘yung mga nasawi, kinuha na lang nila, hinila na lang nila palabas from the back ng sasakyan, saka itinabi. Posible na nakaupo sila sa likuran banda ng sasakyan,” dagdag ni Gonzales

Naghihintay umano ang pulisya sa pamilya ng mga biktima kung sila ay magsasampa na nang reklamo laban sa driver ng sasakyan.

Ang ibang pasahero, kabilang ang tatlong menor de edad, ay pinauwi na dahil hindi naman nasaktan sa aksidente.

 

Previous articleProtect your family against financial setback with affordable term life insurance product, InLife Basic Secure
Next articleIt’s not too late to save the Philippine pangolin, study says
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.