Dec 5, 2020

Dalawa huli sa tupada sa Barangay Kamuning

Ayon kay Salazar, nakumpiska mula sa mga suspek ang bet money na P340.00 at apat na buhay na manok panabong.

(Photo courtesy of Police Station 2)

 

Dalawang lalaki ang hinuli ng mga awtoridad sa isang iligal na tupada sa Purok 6, Barangay Kamuning, Linggo ng hapon.

Kinilala ni P/Maj. Edgar Salazar, station commander ng Police Station 2 ang mga suspek na sina Dexter Niel Candelaria Basco, 19, at Raymund Coros Biaco, 25, parehong magsasaka at residente ng nasabing barangay.

Ayon kay Salazar, nakumpiska mula sa mga suspek ang bet money na P340.00 at apat na buhay na manok panabong.

Kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Illegal gambling ang hinahanda laban sa mga suspek.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry