Photo courtesy of BFAR FRPG MIMAROPA Facebook page.

May 60 kilos ng dalagang bukid na nahuli sa pamamagitan ng paggamit ng dinamita ang kinumpiska ng Department of Agriculture – Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) MIMAROPA Region–Fisheries Resource Protection Group (FRPG) Northern Palawan Team sa Barangay Poblacion, Coron noong Lunes.

Ang pagkumpiska ay nangyari habang nagsasagawa ang DA-BFAR ng fish landing denial operation sa Poblacion. Ang may-ari ng mga binumbong na isda ay hindi pinangalanan ngunit ito ay taga Brgy. Binudak sa Culion.

 

Photo courtesy of BFAR FRPG MIMAROPA Facebook page.

Sa pangunguna ni FRO1 Chezter G. Carpio, Southern Palawan Team Leader Mario L. Torrres, at FLDT/fish examiner Deo C. Fajardo, kinumpiska ang mga dalagang bukid matapos malaman sa eksaminasyon ng fish sample na huli ito sa paggamit ng dinamita.

Ang paggamit ng dinamita sa panghuhuli ng isda ay bawal ayon sa Section 126 ng Republic Act 8550 na inamyendahan sa pamamagitan ng RA 10654.

- Advertisement -

 

Previous articlePalawan stories told thru visual arts at SM
Next articleMotorcycle ‘angkas’ service is illegal, says DOTr Asec. Suansing
handles the online presence of Palawan News as its social media manager. When she has free time, she travels and writes about her adventures.